^

PSN Showbiz

Charo, bida rin sa kauna-unahang pinoy animated series

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Charo, bida rin sa kauna-unahang pinoy animated series
Charo Santos-Concio

Ayaw talagang paawat ni Charo Santos-Concio.

Bida ngayon sa kauna-unahang makabagong Pilipinong animated fantasy series na Sun Chaser ang award-winning actress na mapapanood nang libre sa YouTube simula Hunyo 23 (Martes), 12nn.

Prinoduce ng Manila-based Toon City Animation at Playlab, itinuturing na mahalagang hakbang para sa Philippine animation industry ang Sun Chaser bilang isang creator-owned series na binuo at ginawa sa Pilipinas habang ipinapakilala ang Filipino mytho­logy sa buong mundo.

Makakasama ni Charo sa serye sina Manny Jacinto, Liza Soberano, Eugene Cordero, Dingdong Dantes, Zia Dantes, J.R. De Guzman at Star Magic artists na sina AC Bonifacio at KD Estrada.

Umiikot ang kwento ng Sun Chaser kay Jordan Santos (Manny), isang teenager na dumating sa Pilipinas para magbakasyon. Ngunit nagbago ang lahat nang may isang supernatural na banta ang gumulo sa kanilang isla. Habang unti-unting nabubunyag ang mga sinaunang kapangyarihan at matagal nang nakatagong lihim ng kanilang pamilya, matutuklasan ni Jordan ang misyong hindi niya inaasahan—ang pangalagaan ang hangganan sa pagitan ng mundo ng tao at ng mga espiritu.

Ang nasabing serye ay nilikha ng Pilipinong animation talents na sina Bobby Pontillas at Bernard Badion. Si Bobby ay isang Disney Animation veteran na kabilang sa mga proyektong  Zootopia, Moana, Big Hero 6 at Wreck-It Ralph, at nominado rin sa Academy Awards para sa animated short film na One Small Step noong 2018. Samantala, si Bernard naman ay nakapag-develop ng mga proyekto para sa malala­king studio sa Los Angeles kabilang ang Transformers: EarthSpark.

Nakakuha na rin ng international recognition ang  Sun Chaser matapos nitong mapanalunan ang Animation du Monde Prize para sa international projects sa Annecy/MIFA 2025, isa sa pinakakilalang pandaigdigang plataporma para sa umusbong na animated projects at independent series.

Mapapanood nang libre ang pilot episode ng Sun Chaser sa YouTube simula Martes (Hunyo 23) alas-dose ng tanghali.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with