^

PSN Showbiz

TV5 at ABS-CBN, itutuloy na ang co-production sa mga serye

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
TV5 at ABS-CBN, itutuloy na ang co-production sa mga serye
Coco Martin

Co-production ang susunod na proyekto ng TV5 at ABS-CBN pagkatapos ng pagbabalik ng partnership sa pamamagitan ng Coco Martin’s Sigabo at Face to Face with Ate Koring na mag-uumpisa nang mapanood sa Lunes.

Win-win situation nga raw ang naganap na partnership ulit ng dalawang higanteng kum­panya.

Kaya naman nagpapasalamat ang ABS-CBN sa pagkakataong makatrabaho ang ALLTV, A2Z, GMA, TV5, YouTube, Facebook, Netflix, Prime Video at Viu upang maihatid sa mga manonood ang mga programang kanilang sinusubaybayan na nagbibigay saya at impormasyon.

Ayon sa statement ng ABS-CBN, “Sa panahon na humaharap ang media companies sa mga pagsubok at pagbabago ng viewing habits at preferences, ang kolaborasyon ng industry players ay mahalaga para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagan­dang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives.”

Kaya aabangan daw ang mga susunod na collaboration ng TV5 at ABS-CBN.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with