Bimby, kamukha na ng kanyang Lolo Ninoy

Bumalik si Bimby Aquino sa Eat Bulaga noong Huwebes, Hunyo 18, at pinatunayan nga niya na namana niya sa kanyang ina, ang Queen of All Media na si Kris Aquino, ang kanyang husay sa pagho-host.
Ganundin ang charisma ng ina.
Sinalubong nga siya bilang guest host ng mga beterano sa programa na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Maine Mendoza, Miles Ocampo at Carren Eistrup.
Habang pumapasok, sinabayan ni Bimby ang viral song na Hawak Mo ang Beat at masiglang nakipagkamay sa mga manonood sa studio.
Wala nga lang si Ryzza Mae Dizon that day na mina-match sa kanya.
Very positive ang mga comment sa video na ini-upload ng TVJ sa nasabing guesting ni Bimby na parang nagpapawala ng kaba sa pagtalun-talon nung bago sumalang.
Nakita ko rin ang ipinost na photos ng make-up artist na si Bambbi Fuentes at oo nga cute si Bimby at parang kamukha na ng kanyang lolo Ninoy Aquino.
- Latest




















