81% Pinoy ‘di sure kung magiging patas impeach trial
MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Pinoy o 81 porsyento ang nag-aalinlangan o hindi pa makapagpasya kung magiging patas at walang kinikilingan ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, 19% lamang sa mga respondents ang naniniwala na magdi-desisyon ang mga senador base sa ebidensya at batas kaysa sa political considerations. Nasa 32% naman ang nagsabi na mangyayari ito habang 49% ang undecided.
Ginawa ang survey noong Abril 20-24, isang buwan bago mag-convene ang Senado bilang impeachment court. Nasa 1,200 adult Filipinos ang respondents na may edad 18-anyos pataas gamit ang face-to-face interviews.
Ayon sa survey, ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na “skepticism” habang ang Metro Manila at Balance Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na “uncertainty.”
- Latest





















