^

PSN Showbiz

Vice, ‘di nakapalag sa panlilibak sa TNT!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice, ‘di nakapalag sa panlilibak sa TNT!
Vice Ganda.
STAR/ File

Timeout muna ang Tawag ng Tanghalan (TnT) competition sa It’s Showtime ayon mismo kay Vice Ganda.

Umapaw ang pamimintas sa Huling Tapatan last Saturday kung saan itinanghal na kampeon si Yannie Paul Basical.

Na kesyo boring na at umay vibe na ang singing competition sa It’s Showtime.

Naglaho na raw ang dating excitement sa nasabing portion at sana raw ay mamahinga muna ito.

Mabilis itong sinagot ni Vice sa Twitter (X), na-appreciate raw nila ang constructive criticism ng viewers and fans ng kanilang programa.

Una niyang tweet: “The initial performances were underwhelming. But when the Top 3 started their medley numbers pakingshit it was a moment of gold!!!! Ang exciting na di mo masabi kung sinong mananalo dahil lahat naappreciate ung husay at puso ng performance nila. #TnT #ItsShowtime,” aniya.

Sinundan niya ito ng: “I read ur comments during breaks and gets ko mga hanash nyo. Still thank you for always supporting Tawag ng Tanghalan. I appreciate the constructive criticisms. For now ipapahinga muna natin panandalian ang TnT para mas makapaghanda pa ang mga sasali,” mensahe niya na pinasalamatan naman ng kanyang followers.

Kinoronahan ngang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Season 10 si Yannie Basical ng Region 3 matapos makuha ang pinakamataas na score na 97.4% mula sa hurados sa grand finals na ginanap noong Sabado (June 13), at nagmarka ng kasaysayan bilang unang kampeon ng kumpetisyon na nasa autism spectrum.

Tinuldukan niya ang laban sa pamamagitan ng isang Smokey Mountain medley na naghatid ng standing ovation mula sa mga hurado at audience. Sa unang round, naantig din niya ang mga hurado sa kanyang emosyonal na pag-awit ng Wakas ng SB19.

Tinalo niya sa nasabing three-way bakbakan ang kapwa niyang grand finalists na sina Charlie Palalisan na nagtapos bilang second placer na may 97.1%, at si Jeanel Silvestre na umuwing third placer sa score na 95.1%.

Nagsilbi naman bilang Tawag ng Tanghalan 10: Ang Huling Tapatan hurados sina Darren Espanto, Erik Santos, Yeng Constantino, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Marielle Montellano, Nyoy Volante, Bituin Escalante, Jonathan Manalo, Kyla, JM Yosures at Ogie Alcasid.

Bilang bagong kampeon, naiuwi ni Yannie ang ?1 milyon na cash prize, trophy na dinisenyo ni Toym Imao, management contract mula sa ABS-CBN, recording contract mula sa ABS-CBN Music, at dalawang round-trip tickets patungong Asia, Australia at Middle East.

Samantala, tumanggap si Charlie ng ?200,000 habang ?100,000 naman si Jeanel.

Ang mga grand finalist na sina Von Keirule, Will de Sosa at Russian Ouano ay tumanggap naman ng tig-?20,000.

Umani rin ng ingay online ang grand finals matapos mag-trending nationwide sa X ang #TNT10AngHulingTapatan.

Tulad ng sabi ni Vice, matapos ang ika-10 season ng  TNT, magbabalik ang Miss Q&A sa Lunes (June 15). Patuloy rin naman ang auditions para sa susunod na bagong segment ng It’s Showtime.

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with