^

Probinsiya

SUV hulog sa sapa: 2 senior utas, 5 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SUV hulog sa sapa: 2 senior utas, 5 sugatan
Ilocos Norte map.
Wikimedia / Released

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen ang iniulat na nasawi habang lima pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa sapa ang sinasakyan ng mga itong Sports Utility Vehicle (SUV) sa tabi ng national highway sa Badoc, Ilocos Norte noong Biyernes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Ilocos Norte Police, ang isang senior citizen ay idineklarang dead-on-arrival sa Sinait District Hospital habang binawian ng buhay ang isang 74-anyos na lola sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center.

Bandang alas-6:25 ng gabi noong Biyernes nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Badoc ng lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon ang SUV na isang kulay abong Toyota Fortuner ay minamaneho ng isang 69-anyos na driver na taga Langangilang, Abra nang makaidlip siya bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela.

Bunga nito, tuluy-tuloy na bumulusok sa creek sa tabi ng highway ang SUV na ikinasawi ng dalawang biktima habang sugatan naman ang driver at apat pang katao.

Ang mga biktima na magkakamag-anak ay galing Abra at patungo sana sa Cagayan para dumalo sa death anniversary ng misis ng driver nang mangyari ang trahedya. Mabilis silang isinugod sa pagamutan ng rescue team pero binawian na ng buhay ang dalawang matanda at patuloy na nilalapatan ng lunas ang lima pang katao kabilang ang driver ng behikulo.

SUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with