^

PSN Showbiz

Claudine, dinamayan ang pamilya ni Rene!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Claudine, dinamayan ang pamilya ni Rene!
Claudine Barretto.
STAR/ File

Kahit inaming na-take home noon sa wake ni Milano

Kabilang si Claudine Barretto sa nagbigay-pugay sa burol ng nalunod na atleta ng Ateneo na si Rene Baterbonia habang nasa training/team-building sa Aurora.

At nang tanungin ang aktres ng isang andun kung personal niyang kilala ang pamilya ni Rene, sabi ng actress “Isa siyang Claudinian,” na ang tinutukoy ay ang ina ng nasawing basketbolista na si Rovelyn Baterbonia.

Sabi pa ni Claudine sa mga kausap na writer: “Napakabigat, iyon lang ang masasabi ko. Nakikiramay ako, at sana ay ipadama nating lahat at damayan ang kanilang pamilya.”

Dumalo pa raw ng misa si Claudine na may kasamang mga tulad niyang ina rin.

Nakita rin sa huling gabi ng burol sa Manila ng atleta si Patricia Javier at kabilang sila sa nakiramay bago inilipad sa Davao ang mga labi ni Rene na ipinagluluksa ng buong bansa ang wala sa oras na pagpanaw dahil sa pagkalunod.

May public viewing si Rene sa Christ the King Chapel sa Ateneo de Davao Senior High School Bangkal Campus.

Dadalhin din daw ang kanyang labi sa kanilang bayan sa Talacogon, Agusan del Sur.

Ang labi naman ng isa pang player na nalunod na si Divine Adili ay ibibiyahe raw sa Nigeria base sa kahilingan ng kanyang mga magulang.

Pila-pila ang nakikiramay na estudyante kay Rene sa Ateneo de Davao.

Nauna na ring nagpahayag ng pakikiramay ang Malacañang noong Huwebes sa pagkamatay ng dalawang estudyante-atleta at sinabing ang tragic incident ay nangangailangan ng masusing at walang kinikilingang imbestigasyon.

“Unang-una po, of course, ay nakikiramay tayo sa pangyayaring ito,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing.

Sinabi rin ni Sec. Castro na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad hindi lamang sa kasong ito kundi sa lahat ng insidenteng may kinalaman sa pagkawala ng buhay ng mga Pilipino.

Samantala, going back to Claudine, magaling na pala ang sakit niya.

Maaalalang inamin ni Claudine last February sa isang Facebook live na bumalik ang kanyang eating disorder kaya siya pumayat.

Nag-therapy raw siya para sa anorexia nervosa. “Everybody knows naman na before I had anorexia nervosa. Nga­yon, kinukunan ng pictures ang kinakain ko. Now, I’m 82 lbs, ganyan. Basta dumire-diretso, but nagte-therapy ako,” sabi niya that time.

Nabanggit niya rin last February na umulit ang kanyang eating disorder nung namatay ang kapatid niyang si Mito, habang kamakailan naman ay namatay ang kanilang Mommy Inday.

Pero wala na raw siyang anorexia nervosa. “Yes, wala na po. Okay na po, wala na po akong anorexia nervosa. And thank God talaga. Natapos ko na,” sabi ni Claudine nang matanong siya sa kanyang health updates.

“Siguro, ano lang siguro, ngayon bumalik ako sa pagka-pescatarian. Hindi ako masyadong... hindi na ako kumakain ng... Puro seafood lang talaga,” dagdag niya pa.

At matapos maudlot ang sana ay relasyon nila ng kapatid ni Korina Sanchez, sinabi niyang handa na ulit siyang magpaligaw.

“Yes, I’m open naman to entertaining suitors. Siguro talaga kung darating, darating. Kung hindi, ayoko nang pilitin. Ma-annul (annulment) muna. Hindi pa kami annul,” sabi niya pang natatawa.

Sa kasalukuyan naman daw ay friends nila ng naudlot na jowa, si Milano Sanchez. “We’re friends. We’re friends, yeah. Alam mo, in all fairness naman sa kanya, I don’t think that’s counted. ‘Yung one month, I mean, that was really a whirlwind relationship. It was a whirlwind friendship talaga siguro. And I think we’re really talagang, no, I know, I know, I believe that we’re really hitting it off as friends talaga,” paliwanag pa ng actress.

Sabi pa niya: “Yes, ano lang siguro, it was, hindi pa yun yung tamang panahon pala talaga, siguro. And it’s not, ang layo ng mundo niya sa mundo ko. Hindi niya, mahirap, mahirap talaga. You have to be prepared talaga kapag papa­sukin mo ‘yung isang relationship. And siguro, ako rin. Siguro, ang takeaway ko diyan, when you’re vulnerable, don’t fall in love. ‘Yun lang ‘yan eh. At saka ano, medyo lumayu-layo tayo sa mga wakes. Sa mga burol, kasi medyo dun ka na-take home eh,” sabay tawa ng actress sa mga kausap na writer pagkatapos ng media day ng Home Along Da Riles, Da Reunion days ago. Inamin niyang na-take home siya ni Milano sa wake.

CLAUDINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with