VP Sara: Korapsyon banta sa kalayaan ng bansa

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na hindi lamang mga dayuhang mananakop ang maaaring maging banta sa kalayaan ng Pilipinas kundi maging ang korapsiyon sa loob ng pamahalaan.
Ito ang naging paalala ni VP Duterte sa kanyang mensahe kahapon sa pagdiriwan ng ika-128 taon na Araw ng Kalayaan sa Davao City.
Sinabi ni Duterte na ang kalayaan ng bansa ay bunga ng sakripisyo at katapangan ng mga Pilipinong lumaban para sa kasarinlan.
Aniya, nawawala rin ang tunay na diwa ng soberanya kapag nagiging “pribadong negosyo” ang serbisyo publiko at kapag ang mga opisyal ng gobyerno ay sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng bayan.
“Every peso stolen from the people’s treasury steals a child’s freedom from hunger. It steals a student’s freedom from illiteracy or substandard education. It steals a patient’s freedom to obtain quality healthcare,” ani Duterte.
“Every ghost project is a classroom never built. Every corrupt contract is a road that was never built for farmers to bring their produce to the market,” aniya pa.
Pagbibigay-diin pa ni Duterte, “Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng pera. It steals opportunity, it steals dignity, and it steals hope. And ultimately, it steals freedom itself.”
Nanawagan din ang pangalawang pangulo sa mga Pilipino na ipaglaban ang katotohanan, pananagutan, kalayaan, at soberanya ng bansa.
- Latest



















