^

Police Metro

Higit 200 kawani ng online lending apps, inaresto

Ludy Bermudo - Pang-masa
Higit 200 kawani ng online lending apps, inaresto
Ayon sa NBI, umano’y tinatakot ng mga ­empleyado ang mga may utang sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga alagad ng batas at pagsasabing may inilabas ng warrant at iba pang legal na dokumento laban sa mga ito upang mapilitang magbayad ng utang.
Illustration: Philstar.com

Nagpapanggap na mga PNP at NBI para makasingil…

MANILA, Philippines — Mahigit 200 kawani ng collection arm ng ilang online lending applications na nagpakilalang mga otoridad para maka­singil sa mga may utang ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa kanilang ­establisi­myento sa Quezon City.

Sa pagsalakay ng NBI ay tumambad ang mga text blast equipment, SIM card, at gadget na gina­gamit ng mga suspek.

Bumungad din sa mga cellphone at computer ang mga script ng pananakot at pekeng mensahe na galing umano sa PNP at NBI para takutin na magbayad ang mga may utang.

Ayon sa NBI, umano’y tinatakot ng mga ­empleyado ang mga may utang sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga alagad ng batas at pagsasabing may inilabas ng warrant at iba pang legal na dokumento laban sa mga ito upang mapilitang magbayad ng utang.

“Tatakutin nila. Magpapanggap na mga law enforcers sila para bayaran. At magpapanggap din na may mga inisyu na warrant, bench warrant, at anu-ano pang mga dokumento para ­mapuwersa na magba­yad,” ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag.

Ang mga naaresto ay mahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang ang ilegal na paggamit ng electronic devices, pagpapanggap bilang pulis, at pamemeke ng mga warrant at iba pang dokumento.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with