^

Police Metro

Malacañang lulusubin ng Pro-Duterte sa Independence Day

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — May plano umanong pag-atake ang mga grupong sumusuporta kay Vice Pre­­sident Sara Duterte sa Malacañang sa darating na Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

Ito ang ibinunyag ng beteranong kolumnista at broadcaster na si Ramon Tulfo sa kanyang Facebook post batay sa nakatanggap ng impormasyon mula sa kanyang “tweety bird” (source) na dumalo sa isang meeting sa Camp Crame.

Sa meeting ay tinalakay umano ang tungkol sa planong paglusob sa Malacañang ng pro-Sara groups at ang mga hakbang para sa seguridad at depensa ng Malacañang sakaling matuloy ang naturang plano.

Idinagdag pa ni Tulfo na nakatanggap umano ang Phi­lippine National Police ng mga intelligence report na pa­ngungunahan umano ng isang religious group ang naturang planadong pag-atake sa Palasyo.

“The Philippine National Police (PNP) has received intelligence reports of a planned attack on the Palace to be led by a religious sect. According to my tweety bird, the conferees tackled the defense of Malacañang,” ayon pa sa post ni Tulfo.

Agad naman pinabulaanan ni Acting Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Col. Allen Rae Co ang nasabing post ni Tulfo dahil wala umanong natatanggap na validated intelligence ang PNP tungkol sa umano’y banta sa Independence Day.

Sa kabila nito, sinabi ni Co na palagi naman uma­nong handa ang PNP para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa darating na pagdiriwang ng Indepen­dence Day sa June 12.

INDEPENDENCE DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with