Pro-Sara lulusob sa Palasyo sa Hunyo 12 – Tulfo

MANILA, Philippines — Plano umanong atakehin ng mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte ang Palasyo ng Malakanyang sa mismong araw ng paggunita sa Independence Day, sa Hunyo 12, ayon sa beteranong kolumnista/brodkaster na si Sinabi ni Tulfo sa kanyang Facebook post: “My tweety bird who attended the meeting in Camp Crame says the agenda was the plan to storm Malacañang by pro-Sara groups on June 12, to coincide with the Independence Day.”
Sinabi ni Tulfo sa kanyang Facebook post: “My tweety bird who attended the meeting in Camp Crame says the agenda was the plan to storm Malacañang by pro-Sara groups on June 12, to coincide with the Independence Day.”
Aniya, nakuha niya ang impormasyon sa kanyang tweety bird na nagsabing sa darating na Araw ng Kalayaan ang isasagawang paglusob matapos dumalo sa isang meeting sa PNP headquarters sa Camp Crame.
Sa nasabing pulong, tinalakay ng PNP ang tungkol sa planong paglusob sa Malacañang ng pro-Sara groups at ang mga hakbang para sa seguridad at depensa ng Palasyo sakaling matuloy ang naturang plano. Isa umanong religious group ang mangunguna sa kilos-protesta.
“The Philippine National Police (PNP) has received intelligence reports of a planned attack on the Palace to be led by a religious sect. According to my tweety bird, the conferees tackled the defense of Malacañang,” ayon pa sa post ni Tulfo.
- Latest























