Police corporal, sinopla si VICEO Calinisan!
BINOLDYAK ni Cpl. Simeon Suan si NAPOLCOM VICEO Atty. Ralph Calinisan dahil sa hindi nila pagkaintindihan sa isyu ng nag-viral na video tungkol sa malabisang pag-aresto sa isang 76-year-old sa traffic violation sa Taguig City. Sinagot-sagot ni Suan si Calinisan sa isang media briefing na ginanap sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City. “Wag mo kong gawing instrument para magpapogi sa media,” paulit-ulit at harap-harapang sinabi ni Suan kay Calinisan. Maging si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ay hindi nagustuhan ang actuations ni Suan. “The PNP does not condone any form of disrespectful conduct or language that undermines discipline, professionalism, and the integrity of official public forums,” ani Nartatez. “The concerned personnel will be subjected to appropriate administrative review in accordance with existing rules and due process,” ang dagdag pa Nartatez. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa?
Iniharap ni Calinisan sa media si Suan, na naka-complete uniform, bunga sa video na umano’y sapilitan n’yang ipinosas ang senior citizen na, na ayon sa huli, ay muntik na s’yang sagasaan. Ayon kay Suan, nawala s’ya sa sarili, dahil pagpasok pa lang n’ya sa conference room ay panay na pagmumura sa kanya ni Calinisan. Idiniin ni Calinisan na hindi dapat naging pulis si Suan dahil sa ginawa n’ya sa senior citizen. “You don’t deserve to wear that uniform,” ani Calinisan. Hiningi ni Suan sa NAPOLCOM official na pakinggan din ang side n’ya at bigyan s’ya ng due process. Paulit-ulit din ang pakiusap ni Suan kay Calinisan na “wag s’ya gamiting sa pagpapogi nito sa media. Araguyyyyy! Dahil sa pambabatos n’ya, idiniin ni Calinisan na ang NAPOLCOM ay magiging masaya kapag na-dismiss si Suan sa serbisyo. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nahinto lang ang balitaktakan nina Calinisn at Suan ng bawiin ng isang pulis ang mikropono kay corporal at inalis na s’ya sa puwesto sa tabi ng una. Naglabas naman ng video si Suan kahapon at humingi ng dispensa kay Calinisan. “Ako po ay buong kababaang loob na humihingi ng pasensiya sa aking nagawang statement sa press briefing n’yo kahapon. Alam ko po na hindi n’yo inaasahan ang aking mga sinabi sa harap ng media. Batid ko po nasampal ko ang iyong ego at posisyon bilang isang commissioner ng NAPOLCOM,” ani Suan. Ayon kay Suan, ang alam n’ya ay walang batas ang NAPOLCOM na iharap muna sa media ang isang pulis na nagkamali o lumabag sa batas. Aniya, nirerespeto n’ya si Calinisan at sa buong PNP at kung s’ya man ay may nilabag na polisiya, handa s’yang i-submit ang sarili sa tamang forum o disciplinary body subalit hindi sa harap ng media. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang masamang balita, maraming pulis ang masaya sa ginawa ni Suan. Abangan!
- Latest
















