^

Metro

Arraignment nina Jinggoy, Bonoan muling ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment nina Senador Jinggoy Estrada at dating­ DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng P573-million plunder at graft case sa flood control mess.

Itinakda ni Sandiganbayan Fifth Division Associate Justice Zaldy Trespeses ang arraignment sa June 30 ng alas-8:30 ng umaga bagamat, si Estrada at Bonoan ay pawang may naka-pending na mosyon na humihiling ng pagbasura sa kaso laban sa kanila.

May pending motion pa si Bonoan na humihi­ling sa graft court na siya ay ma-hospital arrest habang si Estrada ay may inisyal na mosyon para sa fix bail at paglilipat ng kulungan, pero iniatras ito ng mga abogado ng Senador kahapon dahil sa sinasabing may conflict ito sa mosyon ng pagbasura sa plunder at graft cases nito.

Natuloy naman ang pagbasa ng sakdal ng Sandiganbayan sa kasong graft at plunder ng mga dating engineers ng DPWH dahil wala ang mga itong naisampang motion to quash the information.

Ang tatlong opisyal ng DPWH NCR na sina Denryl Cortuna, Manny Bulusan, at Arturo Gonzales Jr. ay nagpasok ng not guilty plea sa kasong plunder at graft.

JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with