^

Police Metro

‘Palabas’ ng Cayetano bloc, kinastigo

Joy Cantos - Pang-masa
‘Palabas’ ng Cayetano bloc, kinastigo
Rep. Terry Ridon (Bicol Saro Party-list) answers questions from the media in an ambush interview.
Philstar.com / Dominique Nicole Flores

MANILA, Philippines — Hindi umano dapat madistract ang mga mambabatas sa umano’y maling testimonya, pampulitikang palabas, at hindi otorisadong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at dapat ipagpatuloy sa tamang forum ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang iginiit nina House prosecutor at Bicol Saro Party list Rep. Terry Ridon at dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tinutulan ang kasalukuyang aktibidad ng Senado na kinasasangkutan ng mga diumano’y testigo, na ayon sa kanila ay tila ginawa upang ilihis ang pansin ng publiko mula sa impeachment case patungo sa mga alegasyong kasalukuyang hinahawakan ng korte.

“Kasinungalingan ang testimonya ni Jowly Cadiao. Walang maleta na idineliber sa akin sa kahit anong panahon o sa kahit saan mang lugar,” diin ni Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts.

Itinanggi din ni Ridon na siya di umano ay nadeli­beran ng isang maleta na pinagtatalunang pagdinig sa Senado, isang alegasyon na mariing itinanggi niya habang patuloy ang hidwaan sa pamunuan ng Senado at mga tanong tungkol sa otoridad ng Blue Ribbon activity.

“Tuloy ang impeachment trial. Walang kasinunga­lingan o gawa-gawang testimonya ang makapipigil sa House prosecution panel na magtuloy sa paglalahad ng katotohanan sa paglilitis ng Pangalawang Pangulo,” punto ni Ridon.

Inihayag naman ni Barbers na ang naturang mga testigo na iniharap ng Cayetano bloc ay dapat magpaliwanag sa korte matapos na una nang madiin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon panel na dating pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson na palpak at hindi nagtatagning mga testimonya.

TERRY RIDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with