VP Sara kay Kiko Barzaga: ‘Being different is okay’
MANILA, Philippines — Isang open letter na sinulat ni Vice Pres. Sara Duterte para kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kahapon, isang araw bago siya mapatalsik mula sa House of Representatives, kamakalawa.
Sa nasabing open letter, na nakapaskil sa kanyang personal na Facebook account, nagpaabot ng pakikisimpatiya si VP Sara kay Barzaga at tiniyak na ayos lamang na maging kakaiba.
“Dear KB, I do not have your number so a FB post is the next best thing. Being different is okay,” pagsisimula ni VP Sara.
“It takes grit to be yourself in a world that rewards conformity. Not everyone will understand your choices or the path you take, and that’s okay. What matters is staying true to who you are and what you believe in,” aniya pa.
Dagdag pa ng bise presidente, maging siya man ay itinuturing din na kakaiba at ilang ulit na ring tinagurian ng kung anu-anong masasakit na salita dahil lamang aniya sa pagtangging sumunod sa nakasanayan.
“Ako man ay itinuturing na kakaiba. Ilang beses na akong tinawag na baliw, bobo, at kung anu-ano pa dahil lamang sa pagtangging sumunod sa nakasanayan,” anang bise presidente.
“You are different because you have never been convicted of child abuse, never brought home “maletas” of public funds, never allowed cocaine and alcohol to flow from your office, and never said yes to corruption and oppression,” aniya pa.
Sinabi pa ni VP Sara na ayos lang din na maglakad ng mag-isa at kailangan ng lakas ng loob upang sumulong kahit walang susunod sa iyo.
Pahayag pa niya, ang determinasyon ni Barzaga ay isang pang-araw-araw na paalala na ang karakter ay mas mahalaga kaysa sa pagsunod.
Binigyang-diin pa niya na ang lakas ng loob na ipinakita ni Barzaga ay nagbibigay ng inspirasyon sa mas maraming Pilipino, kumpara sa kanyang inaakala.
Pinaalalahanan din ni VP Sara si Barzaga na uminom ng Vitamin C at maraming tubig upang gumaling ang kanyang sipon.
Nitong Martes, una nang pinatalsik ng House of Representatives si Barzaga dahil sa disorderly behavior at conduct unbecoming of a House member, bunsod ng paulit-ulit na pagkabigong gampanan ang kanyang tungkuling bilang mambabatas.
- Latest




















