Arraignment at pre-trial nina Estrada at Bonoan sa graft case, ipinagpaliban

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 2nd Division ang pre-trial at arraignment sa kasong graft na kinakaharap nina Senador Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na may kinalaman sa flood control mess.
Makaraang magpasya ang graft court na resolbahin muna ang mga nakabinbing mosyon ng magkabilang panig bago ituloy ang pagdinig sa naturang kaso.
Una nang naghain si Estrada ng omnibus motion na humihiling na ibasura ang kaso at magsagawa ng panibagong imbestigasyon hinggil sa alegasyong nagkaroon ng kickback sa flood control projetcs ng gobyerno.
Naghain naman ang kampo ni Bonoan ng mosyon na nakabatay sa kanyang kalagayang pangkalusugan matapos tumaas ang blood pressure.
Si Estrada ay inakusahang tumanggap ng mahigit P573 milyong kickback kaugnay ng mga proyekto sa flood control, samantalang si Bonoan ay idinawit sa kaso dahil umano sa pag-apruba at pagpapalabas ng pondo kapalit ng tinatawag na commitment fees.
Muling itinakda ng Sandiganbayan ang arraignment at pre trial sa kaso sa Huwebes ng hapon sa June 4.
- Latest


















