^

Police Metro

74% Pinoy, pabor sa VP Sara impeachment trial - survey

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula 69% noong Marso ay ­naging 74% na nitong Abril ang bilang ng mga Pinoy na pabor na humarap si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial ng Senado.

Batay sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research mula Abril 20-24, 2026, tumaas ng 5% ang bilang ng mga taong nagsasabing dapat na humarap si VP Sara sa Senate impeachment court upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya habang nasa 21% ang nagpahayag ng pagtutol at 4% ang nananatiling undecided.

Naitala ang pinakamataas na suporta para sa isang Senate trial sa Visayas na nasa 82%, na sinundan ng National Capital Region (NCR) na nasa 81%, at Balance Luzon (natitirang bahagi ng Luzon na nasa labas ng Metro Manila) na nasa 77%.

Pinakamababa naman ang naitalang suporta sa Mindanao, na itinutu­ring na balwarte ng mga Duterte, na nasa 58% habang ang naturang rehiyon din ang nakapagtala ng pinakamataas na opposition rate sa Senate impeachment trial na nasa 41%.

Pagdating naman sa socioeconomic classes, nabatid na ang suporta sa impeachment trial ay consistent na nasa 74% sa mga Class ABC res­pondents, 75% sa mga Class D respon­dents, at 73% sa Class E ­respondents.

Nilinaw ng OCTA na ang sinusukat ng survey ay ang suporta sa impeachment at hindi ito dapat na i-interpret bilang judgment o hatol sa guilt, posibleng conviction, o pagkakatanggal sa puwesto ni VP Sara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with