Seguridad sa impeachment trial inihahanda na ng NCRPO
MANILA, Philippines — Upang tiyakin na makokontrol ang posibilidad na maulit ang pag-atake ng “barbaric protesters” na nangyari noong Mayo 13 sa gusali ng Senado ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa seguridad at kaayusan sa Senate compound para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa layunin mas mapahusay ang crowd control sa impeachment trial na magsisimula sa Hulyo 6, 2026.
Inaalam din ng NCRPO sa OSAA kung ang mga barriers ay ilalagay sa isang malaking adjustment ang gagawin.
Matatandaang nagpahayag si Senador Vicente “Tito” Sotto ng pagkadismaya sa Philippine National Police (PNP) at sa security personnel sa kabiguan na makontrol ang mga nagpo-protesta sa labas ng Senado na umatake sa kanya.
Pinaghahampas ang sasakyan ni Sotto, pinagbabato ng mga bote kasabay ng mga masasamang salita ng mga tinawag niyang “barbaric protesters” noong lumabas siya sa compound ng Senado.
Ayon pa kay Asilo, may nakareserba pang standby NCRPO personnel sakaling lumala ang sitwasyon sa panahon ng impeachment trial at may itatalagang checkpoints sa paligid ng Pasay City.
- Latest


















