^

PSN Palaro

Dyip tangka ang ika-2 dikit vs Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Columbian Dyip vs Meralco

7 p.m. Phoenix vs Blackwater

MANILA, Philippines — Matapos ang kanilang impresibong panalo ay haharap naman ang Columbian Dyip sa isang ma­laking hamon.

Target ang ikalawang sunod na panalo at ang pansamantalang pangu­nguna, lalabanan ng Dyip ang Meralco Bolts ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coluseum.

“We’re up against a team that has been able to scout and prepare for us,” sabi ni Columbian coach Ricky Dandan sa Meralco ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black.

Nagmula ang Dyip sa 126-98 paggupo sa Blackwater Elite kung saan humataw si Fil-Am guard Jerramy King ng career-high na 30 points.

Napantayan ng Columbian ang isang panalo nila sa nakaraang 2018 PBA Philippine Cup.

Ang naturang 28-point win ng Dyip laban sa Elite ang all-time largest margin para sa kanilang prangkisa mula sa naitalang 22 steals.

Patuloy namang hindi maglalaro para sa Bolts si veteran forward Ranidel de Ocampo (mild Achilles tear) habang  nagagamit na ni Black sina Cliff Hodge at Jared Dillinger na parehong galing sa injury.

Muling ipaparada ng Meralco si balik-import Arinze Onuaku, naglista ng mga averages na 18.7 points, 17.3 rebounds at 1.5 blocks sa 17 games noong 2016 edition ng torneo.

Sa tulong ng 6-foot-8 na si  Onuako, hinirang na PBA Best Import ay umabante ang Bolts sa semifinals.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi, pipilitin naman ng Blackwater na makabangon mula sa kabiguan sa kanilang pagharap sa Phoenix.

Ipaparada ng Elite si balik-import Jarrid Famous, humakot ng 35 points at 22 rebounds sa kanilang kabiguan sa Dyip habang itatapat ng Fuel Masters si import James White.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with