Pulis itinumba sa Cebu
MANILA, Philippines — Napatay noon din ang isang pulis na dating na-assign sa Marawi City makaraan siyang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem malapit sa Plaza Independencia sa lungsod ng Cebu nitong Martes ng tanghali.
Sa ulat ng Cebu City Police, kinilala ang biktima na si PO2 Kenneth Pogoy, 34-anyos, tubong Brgy. Ermita, Cebu City. Ang biktima ay dating nakatalaga sa Parian Police Precinct sa Marawi City.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-11:00 ng tanghali nang maganap ang pamamaslang sa biktima.
Kagagaling lamang ng biktima sa isang hearing ng korte sa Qimonda IT Center, North Reclamation Area nang biglang sumulpot ang salarin na sakay ng motorsiklo.
Sinundan ng salarin ang behikulo ng biktima at pagsapit sa kahabaan ng M.J. Cuenco Avenue ay saka ito pinaulanan ng bala ng baril.
Matapos ang krimen ay mabilis na tumalilis ang suspek na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen upang masakote ang salarin at mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.
- Latest






















