^

PSN Showbiz

Maricel ayaw tularan sina Kris, Sharon...

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maricel ayaw tularan sina Kris, Sharon...

‘Magdusa kayo, ginusto n’yo yan’ Marya walang nakikitang kapalit

“Magdusa kayo, ginusto n’yo yan. Puwede namang wala ‘yan,” ang sagot ng one and only Diamond Star Maricel Soriano kahapon nang hingan siya ng reaction tungkol sa mga artistang naba-bash sa social media. “Pupuwede naman na wala ‘yan. E, di mag-ano ka, sign off.”

 “Kaya mas lalo pang ayaw ko nang mag-social media. Live na lang, sapakan agad.

“Gusto mo pa ba yun (bashers), sa edad kong ito? Ayoko.

“Ang importante sa akin, yung respeto. Ayoko ng binabastos ako nang ganoon. Sa edad ko ba namang ito? Tataasan ko na lang sila ng kilay, tama na. Bakit mo gusto na mang-away pa?

“Saka ‘yung sasabihin ko, ita-type ko pa. Mapapagod pa ako,” dagdag na comment ni Ms. Marya.

Ilan sa mga suki ng basher siyempre ay sina Kris Aquino and Sharon Cuneta. But for the record walang particular name na binanggit si Ms. Maricel during the intimate tsikahan with her yesterday na ginanap sa Novotel in Cubao.

“Kung dati siguro, bata pa ako, baka pa pero ngayon, may edad na. Nakakahiya. Nakakahiya na,” paliwanag pa ng aktres na may special role sa Mother’s Day presentation ng Regal Films, My 2 Mommies starring Paolo Ballesteros and Solenn Heussaff directed by Eric Quizon at mapapanood sa mga sinehan starting May 9, 2018.

Eh may nakikita ba siyang puwedeng pumalit sa trono niya? Diretso ang sagot ng original na Taray Queen : “ Failing (good). Trying hard. Wala.”

May binanggit na dalawang pangalan na parehong Kapuso stars pero ang isa ay sinabi ni Marya na choppy na ang ibig sabihin ay hindi niya naintindihan. Nang magbanggit pa ng isang name, “wala nga eh,” mabilis niyang sagot na parang nanggigigil.

Samantala, sa edad na 53, may high blood si Marya. “May maintenance na ako,” pagtatapat niya.

Pero regular exercise niya ang walking at aminado siyang marami siyang vitamins na iniinom everyday.

Nag-iingat na rin siya sa pagkain at pag wala siyang trabaho, nanonood lang siya ng mga palabas sa Netflix.

Anyway, balik na sa dating sigla si Maricel. Aminado siyang tapos na ang lahat ng pagsubok at ok na siya.

Pagkatapos ng My 2 Mommies ay may gagawin siyang solo movie na si Eric Quizon pa rin ang director. Pero ayaw na niya ng drama. Super light na hindi kailangang maging mabigat ang pakiramdam ng mga makapanood.

Sa My 2 Mommies, 3 shooting days lang siya pero ang ganda ng role niya base sa trailer na napapanood namin.

Welcome back Marya.

Korina positive ang sagot kay Kris!

Walang kaplano-planong patulan ni Korina Sanchez ang ‘high blood’ ni Kris Aquino.

Ayon sa ilang taong malalapit kay Mrs. Mar Roxas, hindi sila pumapatol sa ganung issue. Besides hindi naman daw nabanggit ang pangalan ni Korina sa post ni Kris kaya walang itong dapat sabihin.

Pawang cryptic message ang post ni Ms. Koring sa kanyang Instagram account yesterday : “Life is like a merry-go-round. Remember to ride with the eyes of a child & stay happy! Korina,” una niyang post.

Meron pa siyang sinabing : “#KorinaReinvented is about keeping in touch with our purpose & living our #BestLife. In this pursuit, what’s essential is to spread positivity, kindness, understanding and love. This is what the world needs. We’re not perfect, but we have to try. ?Summer reminds us of God’s immense blessing of sunshine and nature. These best things in life are free! Let’s pay it forward this season--- beat the summer heat by being good to ourselves and overwhelming everything around us with our sunshine! Korina.”  

Anyway, wala namang nakikitang masama ang mga nakapanood sa Rated K sa naging feature ng programa ni Ms. Koring kaya raw sayang ang oras kung palalakihin pa ang galit ni Kris.

Pinalabas sa Rated K ang tungkol sa pagiging parents nina James at partner nitong si Michaela na naru-rumor na magpapakasal na dahil nga magiging dalawa na raw ang anak nila.

Nagsiklab si Kris at naglabas ng galit kay Korina na tinawag lang niyang ‘asawa ni Mar’ na sinamahan ng panunumbat sa naging pagtulong niya sa presidential candidate ng dating senador na mister ng kanyang dating co-host sa morning show sa ABS-CBN. At pinagdiinan niya pang mas dapat talagang naging president si Pangulong Duterte. “i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinanggap ko... Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay... I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE,” ang post ni Kris nung Sunday night after ng airing ng Rated K.

Kahapon ay nag-iba ang ihip ng hangin, hindi na raw siya high blood at diverted na ang issue kay Mayor Herbert Bautista na pinasasalamatan niya sa peonies na bulalak na padala sa kanya.  

KRIS AQUINO

MARICEL SORIANO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with