^

Police Metro

Pulis na tamad at bastos, sisibakin

Joy Cantos - Pang-masa
Pulis na tamad at bastos, sisibakin
Inihayag ni Albayalde na asahang marami pa ang masisibak kung patuloy na masasangkot sa illegal na aktibidades ang ilang mga “misguided souls” sa PNP gayundin ang mga walang disiplina.
File

Adik pa sa pagti-text... 

MANILA, Philippines — Handang sibakin ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na bastos, tamad at adik sa pagti-text.

Ito ang naging babala ni Albayalde sa mga walang disiplinang pulis na dapat ay mabubuting ehemplo sa mamamayan. 

Inihayag ni Albayalde  na asahang marami pa ang masisibak kung patuloy na masasangkot sa illegal na aktibidades ang  ilang mga “misguided souls” sa PNP gayundin ang mga walang disiplina.

“Yes they will expect (revamp on a bigger scale) not unless magbago ang ating kapulisan.Kahit mambastos ng tao, yung mangotong, extort, hindi  naka-helmet, pa-text text sa kalsada lahat yan we will address that basta may nahuli minimum diyan suspension,” ani Albayalde.

“Hindi lang ito sa mga illegal, pati yung hindi naghe-helmet even the minor offenses will be looked ito, yung mga nambabastos ng complainant. These are the things that we want to be changed, want to improve on,” dagdag pa ni Albayalde.

Sinabi ng opisyal na kapag mayroong isang nagrereklamo na pumunta sa mga himpilan at sinagot ng mga pulis na walang gas, walang imbestigador  ay iimbestigahan ang mga pulis at maging ang kanilang hepe.

 Inihayag ni Albayalde na papatawan ang mga kinauukulan ng sapat na kaparusahan mula pagkakasuspinde sa tungkulin at pagkakasibak sa serbisyo.

Inatasan na ni Alba­yalde ang PNP-Internal Affairs Service  na pabilisin ang imbestigasyon sa mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo at nang mapatawan kaagad ng kaukulang kaparusahan.

OSCAR ALBAYALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with