Mga pulis na basher ni Albayalde, iimbestigahan

MANILA, Philippines — Nakatakdang paimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na bumabatikos laban sa kaniya sa social media.
Ito’y matapos na mabasa ni Albayalde ang ilang mga comments ng mga pulis sa facebook page na Buhay Lespu kung saan binira ang ginawa nitong pag-iinspeksyon laban sa mga pulis na natutulog sa oras ng trabaho at maging ang mga nag-iinuman.
Inatasan na niya ang PNP-Directorate for Information and Communications Technology Management para tukuyin ang mga basher niyang pulis.
“We can file insubordination against them, but I am not against freedom of expression,” ani Albayalde na aminadong hindi naman lahat ay maaring maibigan ang itinakdang Chief PNP.
Ikinagalit ni Albayalde, dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakasuot ng kanilang uniporme ang mga pulis sa araw pero sa gabi ay binibira ang pagiging istrikto niya sa trabaho kung gabi.
Nabatid na ang Buhay Lespu facebook page ay may 470,000 followers na mga pulis at maging ng kanilang mga pamilya at mga kamag-anak.
- Latest















