Goodbye, Boracay the paradise island
24 hours to go sarado na ang kurtina este mali isla pala ng Boracay sa lahat nang hindi tagarito.
Bakit ?
Sa Huwebes (April 26), kasi ang araw ng rehabilitasyon ng Boracay Island !
Sabi nga, linis dito, linis doon, giba dito, giba doon, gawaan dito, gawaan doon !
Hindii pa malaman ng gobierno kung kailan matatapos ang gawaan blues sa Boracay basta ang importante sa pagbubukas nito sa madlang people tiyak marami ang masisiyahan.
Ika nga, wala ng bantot at tiyak malinis na ang kapaligiran pati siempre ang baybayin lugar.
Mukhang nakalimutan ng gobierno ang P75.00/each person na environmental fee nang madlang people na tutungtong sa isla ?
‘Kanino napunta o nasaan ang koleksyon dito ?’
Abangan.
• • • • • •
Huwag na away, bati na tayo
Gusto ni Boss Digong na sa Philippines my Philippines gawin ang pag-uusap nila ni Joma Sison, founding chairman ng CPP.
Sabi nga, para maging maayos ang lahat at manumbalik ang kapayapaan sa pagitan ng gobierno at mga kaalyado ni Joma.
Hinimok ni Boss Digong ang mga rebelde na samantalahin ang ibinigay niyang pagkakataon para pag-usapan, magkasundo at tapusin na ang matagal ng giyera patani sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo.
Sana magkasundo na para kumalma na ang bawat isa at matigil na rin ang patayan sa magkabilang pader este mali panig pala.
Sabi nga, tama na ang away bati na tayo.
Pangako ni Boss Digong kay Joma walang masamang mangyayari sa kanyang mga kaalyado sa ‘60 days window’ niya basta ang mga boga ng mga kasangga niya ay hindi bitbit.
Sabi ni Boss Digong, uutusan niya ang mga militar at mga pulis niya na maging ‘peace’ muna nasa tinatalakay ang usapan blues.
Abangan.
- Latest
















