^

Police Metro

Tandem inaresto sa gunban

Mer Layson - Pang-masa
Tandem inaresto sa gunban

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang inaresto sa paglabag sa umiiral na gunban matapos na mahulihan ng baril at patalim sa isang checkpoint kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Danilo Bello, carpenter at Geraldo Meren, tricycle driver, kapwa may-asawa at residente ng Brgy. Marikina Heights ng lungsod.

Batay sa ulat bago naaresto ang dalawa dakong alas-11:30 ng gabi sa isang checkpoint sa West Drive Street, kanto ng Narra Street ay nagsasagawa Comelec checkpoint ang mga tauhan ng Police Community Precinct 9 (PCP-9) mamataan ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo, na ‘for registration’ ang plaka, kaya’t pinara ito.

Sa halip namang huminto ay tinangka pa ng suspek na tumakas kaya’t hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay kinapkapan na kung saan ay nahulihan si Bello ng kalibre.9mm na pistola, na may limang bala, habang isang patalim naman ang narekober mula kay Meren.

GUN BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with