^

Police Metro

4 miyembro ng carnap gang arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang apat na katao kabilang ang isang babae ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 7 matapos matukoy na sangkot sa pagkarnap at pagbebenta ng motorsiklo, sa Tondo, Maynila, sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-Station 7 chief, Supt. Jerry Corpuz, ipaghaharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act), RA 10591 (illegal possession of firearms), Revised Ordinance 864-C at Omnibus Election Code ang mga nadakip na na sina Alexander Banzuelo, 20, Vanessa de Mesa, 30, Jayson Laquindanum, 32, at Ronald Encarnado, 38, pawang mga taga-Tondo Maynila.

Bukod sa mga suspek sa pagtangay ng SYM RVU 1-2, na may plakang BD 23862 na pag-aari ng isang Aldec John Padua, ay nakuhanan sila ng kalibre 45 baril na kargado ng 6 na bala, 2 patalim at 3 bala ng 9mm kalibre ng baril.

Nabatid sa ulat na ang pinakahuling insidente ng karnap ay ang kaso ng pagtangay sa motorsiklo ni Padua dakong alas-8:30 ng gabi noong Abril 14, 2018  sa Antipolo St., Tondo.

Patuloy pang nanga­ngalap ng mga ebidensiya ang pulisya hinggil sa iba pang kaso ng carnapping na kinasasangkutan ng mga suspek.

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with