^

PSN Showbiz

Sharon bumuwelta sa pagsuway sa pamamahinga!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon bumuwelta sa pagsuway sa pamamahinga!
Sharon

Bilang sagot siguro sa mga nagtatanong kung bakit nasa social media na siya pagkatapos magpaalam na magre-rest siya sa social media, may post si Sharon tungkol sa ibina-bash sa kanya.

“Am still on my phone and social media fast, but I did say I’d drop in once in a while. Today I flew to Balesin for Billy & Coleen’s wedding where I was ninang but had to fly back as the chopper couldn’t fly after 5pm.”

Kinailangang bumalik agad ng Manila ni Sharon dahil nag-perform siya sa tribute kay Gabby Lopez na sabi sa balita, steps down as Chairman of the Board of ABS-CBN, pero nanatiling director of the Board. Kasamang nag-perform ni Sharon sina Gary Valenciano, Audie Gemora, Zsa Zsa Padila, Piolo Pascual at Martin Nievera.

Violent kasi ang reaction ng ibang netizens nang makitang after two days, balik-socmed si Sharon at nagpo-post na uli. Inisip siguro ng mga nag-react na one month o mahigit pa ang socmed break ni Sharon.

Anyway, sinagot ni Sharon ng “Oh yes, absolutely!” ang post ni Kris Aquino na she’s working (si Kris) with Sharon’s adopted babies na sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa Star Cinema movie na I Love You Hater.

Kung kay James maraming bala, Kris hindi kayang siraan si Phillip!

Sa Wednesday, April 25 na magsisimulang mag-shooting si Kris Aquino ng I Love You Ha­ter, ang comeback movie niya sa Star Cinema. Sabay daw ito sa 25th anniversary ng Star Cinema.

Sina Julia Barretto at Joshua Garcia, nag-start na raw mag-shooting at susunod na nga si Kris. Sa June 13, ang playdate ng movie, bale may more than a month shooting days, kaya nag-post si Kris ng “pray for my health” dahil tiyak na hectic ang shooting schedule.

Samantala, sinagot ni Kris ang tanong ng isa niyang follower kung bakit kay Phillip Salvador wala siyang sinasabi gayung hindi rin naman nagbibigay ng financial support ang aktor sa anak na si Joshua. Bakit daw kay James Yap, nagsalita siya?

“Because never nya kong siniraan sa interviews & nagpasalamat sya sa family ko for shouldering the responsibilities for Josh. Technically he could have asked for financial help-if he proved being destitute, Josh under the law would need to give some financial aid (especially if hospita­lized or evicted from a home)...si James nagpaawa when how can you be nakakaawa kung technically we were annulled based on article 35 not 36-(pahirapan kita-mag research ka sa family code)...di ko ma take yung “I’m always here for you” because it’s just an absolute lie...si Phillip tahimik so tahimik ako. Si James may pa post post pa-so sinagot ko ng masakit na KATOTOHANAN... hamunin mo pa ako because ang dami ko pang bala. Kaya kong ungkatin from Ja­nuary 2007 onwards. TRY ME.”

Eric gaganap na tatay ni Alden?!

Pagkatapos ng ilang directorial projects gaya ng Regal Multimedia movie na My 2 Mommies na showing sa May 9, balik sa acting si Eric Quizon. Muli siyang tatawid sa GMA-7 for an acting project na malalaman natin sa interview sa actor-director bukas.

Naintriga lang kami dahil sa post ni Maritoni Fernandez, magkasama raw sila ni Eric sa bagong show nga ng GMA-7. Tapos may isa pang post si Maritoni na kasama si Janine Gutierrez na makakasama rin niya sa teleserye. Parang naisip na namin kung anong teleserye ito, pero magtanong pa rin kami para sigurado. Saka, tatay yata ang role niya sa sinasabing serye na bida raw si Alden Richards.

Anyway, tiniyak ni Eric na nakakatawa at nakatutuwa ang My 2 Mommies kung saan, sina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff ang mag-aagawang mommies sa kanilang anak.

In-assure rin ni Eric na kahit special participation si Maricel Soriano sa movie, nakakatawa ang mga eksena nito. Nagpapasalamat siya sa aktres sa pagtanggap sa role ni Tita Baby at dahil daw ito sa pagmamahal sa Regal at kay Mother Lily.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with