^

Probinsiya

Utol todas kay kuya

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY – Sa ospital na nalagutan ng hininga ang isang 23-anyos na magsasaka makaraan siyang pagsasaksakin ng mismong nakakatandang kapatid matapos na magkaroon ng alitan habang nagbi-videoke naganap sa Sitio Palo Dos, Brgy. Pangao-an, Magpet, North Cotabato, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Joey Corgio Antona, habang ang suspek ay ang kanyang kuya na si Jayar Corgio Antona, 25-anyos kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PO2 Ardren Armada, ng Magpet PNP, dakong alas-6:30 ng gabi ay masayang nag-iinuman umano ang dalawa, pero sa kasagsagan ng kanilang pag-iinuman ay umakyat ang suspek sa mesa at sumayaw.

Agad itong sinaway ng kanyang nakakabatang kapatid, dahilan para magalit at sugurin ng suspek ang biktima at inundayan ng saksak.

Mabilis namang isinugod sa Madonna Hospital sa lungsod na ito ang biktima pero dahil sa tindi ng sugat na tinamo nito ay tuluyan itong nalagutan ng buhay.

Ang suspek ay nasa piitan na ng Magpet PNP at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

vuukle comment

FARMER STABBED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with