Van nahulog sa bangin: 4 utas
MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang pupuntahang kasal ng magkakamag-anak matapos na mahulog ang sinasakyan nilang pribadong van sa bangin kamakalawa ng gabi sa Bokod, Benguet.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Gemalyn Lorenzo, 28; Antonio Bulay, 65; Julie Umbaas, 52; at Alipio Bulay.
Isinugod naman sa Baguio City General Hospital ang mga nasugatang biktima na ang isa ay nasa kritikal na kondisyon.
Sa ulat, bago nangyari ang sakuna dakong alas-8:00 ng gabi sa Sitio Guesset, Bokod ay sakay ang 12 katao na magkakamag-anak ng isang Nissan NV350 para dumalo sa reunion at kasal ng isa nilang kaanak.
Habang binabagtas ng van na minamaneho ni Joseph Gavino, 47 ang nasabing highway ay nang mawalan umano ng preno dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin ang nasabing behikulo na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.
- Latest