EX-B maraming pinagdaanan bago napansin!
MANILA, Philippines — Ngayon Sabado (Abril 21) sa Magpakailanman, tunghayan ang kuwento ng grupong Ex Battalion na umani ng napakaraming views sa social media dahil sa kanilang kantang Hayaan Mo Sila na nagpabago sa kanilang buhay mula ordinaryong rap singers hanggang sa maging tanyag sa buong Pilipinas.
Itinatampok sa episode na pinamagatang Hayaan Mo Sila: The Ex Battalion Story ang mga miyembro ng grupo na sina Mark Ezekiel ‘Bosx1ne’ Maglasang, Archie ‘Flow-G’ dela Cruz, Daryl ‘Skusta Clee’ Cruz, James ‘Brando’ Samonte, John Maren ‘Emcee Rhenn’ Mangabang, Jon ‘King Badger’ Gutierrez. Itinatampok din sina Irma Adlawan, Rez Cortez, Gilleth Sandico at Vera.
Nagsimula lang sila sa pagsali sa mga rap battle contest sa Muntinlupa. Si Archie (Flow G), bata pa lang ay hilig nang mag-rap ngunit hindi suportado ng mga magulang kaya nagdesisyon itong lumayas at kinupkop ni Mark (Bosx1ne), ang nagsilbing leader ng grupo. Si James (Brando) ang naging kuya ng grupo na nagtulay sa kanila para mabuo ang Ex Battalion. Si Daryl (Skusta Clee) na mula sa kanyang grupo na OC Dawgs, inakala nila na kaaway dahil sa paggamit niya ng kanta na walang pahintulot sa grupo. Si Jon (King Badger) ang huling sumali sa Ex Battllion na kilala na sa social media ang isa sa nagbigay ng verse sa kanilang kantang Hayaan Mo Sila.
Marami mang problema sa kanilang pamilya at sa kanilang relationships noong una, naayos naman nila ang mga ito sa huli. Sa kasalukuyan, kaliwa’t-kanan ang kanilang mga shows sa iba’t ibang parte ng bansa. Ang hit song nilang Hayaan Mo Sila ay may 48 million views na rin.
Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.
- Latest