^

Bansa

Tokhang vs ‘555’ inutos ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Tokhang vs â555â inutos ni Duterte
Kahapon ay binigyan ng 30 araw ni Pangulong Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na magsumite ng inventory kaugnay sa mga kompanyang sangkot sa tinatawag na “labor-only contracting.”
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng “crackdown” o “tokhang” ang gobyerno laban sa mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng ‘555’ o endo.

Kahapon ay binigyan ng 30 araw ni Pangulong Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na magsumite ng inventory kaugnay sa mga kompanyang sangkot sa tinatawag na “labor-only contracting.”

“Pres. Duterte orders DOLE to submit inventory of companies engaged in labor-only contracting. We reiterate that labor-only contracting is already prohibited by the labor code. There will be crackdown on labor-only employment by companies,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“Sisiguraduhin ng Presidente na matitigil ang ‘555.’ Huwag n’yong subukan ang presidente. Dahil yan ang pinangako ng Pangulo noong kandidato pa lamang ito na ipatitigil niya ang tinaguriang 555,” dagdag pa ni Roque.

Aniya, puwedeng sabihin na Tokhang kontra Cabo (555) ang magiging kampanya ng gobyerno sa mga kumpanyang patuloy na nagpapatupad ng 555 o endo.

Ipinaliwanag pa ni Roque na ang sinasabing ‘555’ ay ang pamamaraan ng mga kumpanya na ang kanilang kinuhang empleyado ay hanggang 5 buwan lamang papayagan nilang magtrabaho upang makaiwas na gawing re­gular ito sa sandaling umabot ?sa 6 na buwan.

Idinagdag pa ni Ro­que, iisa-isahin ng gobyerno ang mga kumpanya upang malaman kung patuloy pa rin ito sa pagpapatupad ng ‘endo’ (555) sa kanilang mga empleyado.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with