^

Bansa

Senatorial slate ng PDP-Laban inilabas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na kahapon ng PDP-Laban ang kanilang 2019 senatorial slate kung saan kasama ang singer na si Freddie Aguilar, Special Assistant to the President Secretary Bong Go at PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Bukod kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na tatakbo mu­ling senador, kasama rin sa listahan ang mga reelectionists na sina Senators Sonny Angara, Cynthia Villar, JV Ejercito at Nancy Binay.

Nang tanungin kung namili ba ang partido sa pagitan nina Ejercito at kapatid nito na si dating senator Jinggoy Estrada, sinabi ni Pimentel na “andiyan si JV sa listahan sana ma-gets na ninyo.”

Kabilang din sina Presidential Spokesperson Harry Roque, at ang miyembro ng media na si Jiggy Manicad na miyembro na ng PDP-Laban.

Kasama rin sa pagpipilian si dating MMDA chairman Francis Tolentino, Reps. Ace Barbers, Alfredo Abelardo Bantug Benitez, Karlo Nograles, Zajid “Dong” Mangudadatu, Geraldine Roman, Rey Umali, at Pia Cayetano.

Posible ring mapili sina Raffy Alunan, Erwin Tulfo at kapatid nitong si Mon Tulfo.

Sinabi pa ni Pimentel na kalimitang sobra sa 12 ang nasasama sa listahan ng isang partido.

“Tingnan mo ang listahan na binanggit ko, 22 o 23 names, 22 yan and then ang magpa-file diyan 17 or 18 ganoon talaga sosobra talaga sa 12 yan. Dapat obligasyon ng party leadership to entertain, hindi ibig sabihin noon na para kaming vending machine na gustong tumakbong senator maglalabas na kami ng certification for nomination,” sabi ni Pimentel.

Magpapa-survey pa rin umano ang partido para mabuo ang pinal na listahan ng PDP-Laban.

Posible raw na ma-finalize ang senatorial slate pagsapit ng Agosto o Setyembre ng taong kasalukuyan.

PDP-LABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with