^

Bansa

Territorial claims sa WPS pinaaaksyunan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binanatan ng Partido Liberal (LP) stalwarts ang gobyerno sa kawalan umano nito ng aksyon sa territorial claims ng bansa sa West Philippine Sea sa gitna ng mga ulat na dalawang eroplano ng China ang nag-landed sa reef.

“We demand transpa­rency in the administration’s dealings with China. What elsae is the Philippines giving up to this new friendship?” ani Sen. Bam Aquino.

“Hindi ba dapat ipag­laban ang ating teritoryo, lalo na para sa mga mangi­ngisda natin? Sinayang lang ng administrasyon ang panalo natin sa Permanent Court of Arbitration (PCA),” dagdag ni Aquino, patungkol sa desisyon ng PCA na pag-aari ng Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo.

Wika pa nito, kung determinado ang gobyerno at tapat sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa, kailangang igiit nito ang ating tagumpay sa PCA.

Ayon naman kay Sen. Francis Pangilinan, Partido Liberal president, hindi katanggap-tanggap ang ikinikilos at “obliging attitude” ng gobyerno ng Pilipinas sa China sa kabila ng lumala­king militarisasyon ng West Philippine Sea.

“Nagiging barangay na ba ng China ang Pilipinas?” wika nito.

Sa panig naman ni da­ting lawmaker Erin Tañada, Partido Liberal’s vice president for external affairs, sinabi nitong kung hindi matutupad ni Duterte ang kanyang campaign promise na sasakay sa jet ski at magtutulos ng bandila ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo, kailangan man lang ilaban nito ang desisyon ng PCA.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with