^

Probinsiya

19 nalason sa noodles

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labingsiyam katao na karamihan ay mga bata ang isinugod sa pagamutan makaraang malason umano sa kinaing noodles na inihanda sa isang piyestahan  sa Lake Sebu, South Cotabato nitong Martes ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12, ang mga biktima ay sinilbihan ng kanin at   noodles sa piyesta ng Brgy. Takunel  sa nasabing bayan bandang alas-8:00 ng gabi.

Gayunman, matapos makain ang nasabing isinil­bing noodles ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, matinding pananakit ng ulo at pagsusuka ang mga biktima.

Kaya’t mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Isinailalim na ng mga health officials sa pagsusuri ang kinaing noodles ng mga biktima upang alamin kung ito ang talagang naging sanhi ng pagkalason nila.

vuukle comment

MALASON

NOODLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with