^

Pang Movies

Sarah at Matteo natsitsismis na pakakasal sa Las Vegas!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah at Matteo natsitsismis na pakakasal sa Las Vegas!
Sarah

Pinag-uusapan ngayon ang pagbibiro (o pagsasabi ng totoo?) ni Sarah Geronimo sa kanyang This 15 Me anniversary concert last Saturday sa Smart Araneta Coliseum nang kantahin niya ang Lea­ving On A Jet Plane.

Sabi raw kasi ni Sarah, “I will come back with the wedding ring,” or something to that effect.

Kilig-kiligan daw tuloy ang fans nila ni Matteo Guidicelli lalo na at nasa concert din ang kanyang boyfriend, huh!

Kinilig naman kaya sina Mommy Divine at Daddy Delfin sa birong ‘yon ng kanilang anak?

Well…

Anyway, ang tanong ngayon ng fans – makasunod kaya si Matteo kay Sarah sa US eh hanggang sa May 6 kasi ang show roon ng dalaga?

Ang This 15 Me US Concert Tour kasi ni Sarah ay magki-kick-off sa Los Angeles Theater on April 21at susunod ang sa Pala Casino Spa Resort Event Center on April 22, tapos sa Pittsburg California Theater, April 28, then sa Cannery Casino The Club, Las Vegas, Nevada ng April 29, pagkatapos ay sa Copernicus Center, Chicago, Illinois ng May 4, at pinakahuli sa Colden Auditorium, New York, May 6.

So, makatakas kaya sa taping ng Bagani si Matteo para sumunod sa US sa kanyang girlfriend?

Naku, kung sa Las Vegas show siya susunod sa April 29, ang alam ko, pahinga ng April 30 si Sarah, baka matsikang doon sila magpapakasal, huh!

Pero lahat naman ng bagay na ‘yan ay speculations lang ng marami dahil nga sa joke ni Sarah sa kanyang concert.

Celebrity lawyer inalala ang ginawa ng aktres sa ilalim ng mesa

Nakatsikahan namin kahapon ang isang celebrity-lawyer.

Nagbalik-tanaw kami noong mga panahon na madalas pa siyang ma-link sa mga artista. Pero sabi ni celebrity-lawyer, “good boy” na raw siya ngayon. Wala na raw artista na napapabalitang girlfriend niya.

Sa kuwentuhan namin ni celebrity-lawyer, ipinaalala namin sa kanya ang isang “eksena” sa isang restaurant sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong City habang ka-date niya ang isang artistang produkto ng isang reality show.

Eh, bigla kasing nakita ng artistang ‘yon si Mr. Fu at natakot na ma-tsismis na kasama niya si celebrity-lawyer, kaya ang ginawa ni babae ay biglang nagtago sa ilalim ng mesa.

Medyo nagulat si celebrity-lawyer sa ginawa ng artistang ‘yon.

“Ano ka ba, lumabas ka riyan, baka lalo tayong ma-tsismis kung aakalain ng mga makakakita sa ‘yo na may ginagawa kang kung ‘ano’ sa akin!” sabi ni celebrity-lawyer sa artistang kasama.

Tawa na lang nang tawa si celebrity-lawyer nang ipaalala namin sa kanya ang “eksenang” ‘yon!

Kahit hindi tinao, pelikula nina Barbie at Derrick hindi raw lugi!

Hindi naman matigil-tigil ang mga angas tungkol sa pagsemplang sa takilya ng pelikulang Almost A Love Story nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Pero nalugi nga ba ng milyun-milyon ang nagprodyus ng pelikulang ‘yon?

“Hindi!” ang sabi sa amin ng taong namahala sa nasabing production.

Mukhang big budget lang daw ang pelikulang ‘yon, pero hindi naman daw kalakihan ang ginastos nila.

Binili rin daw ng GMA 7 ang broadcast rights ng pelikula, kaya malaki na ang kinita nila roon.

“May 32 cities Italian screenings din ang pelikula ngayong 2018, kaya imposible naman na malugi kami. May inaayos din kaming kontrata sa mga taga-Singapore at may iba pang distributors na gustong bumili sa pelikula.

“So, masaya na ang producers ng Almost A Love Story,” sabi pa ng kausap namin.

Anyway, kahapon, muling pumirma sa GMA 7 ng exclusive network contract si Barbie at marami pa raw mga plano sa kanya ang Kapuso network.

Malapit na ring ipalabas ang Inday Will Always Love You nila ni Derrick.

Well…

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with