^

Bansa

Duterte: AFP at PNP magsanib para sa seguridad ng May 14, election

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte: AFP at PNP magsanib para  sa seguridad ng May 14, election

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na tulungan ang Commission on Elections na mapanatiling maayos at payapa ang isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.

Nilagdaan ni Pa­ngulong Duterte ang Memorandum Order 21 para sa deputization ng AFP at PNP sa Comelec resolution 10207 para masiguro na magiging maayos, malaya, payapa at credible ang isasagawang barangay elections.

“Ang mga law enforcement agencies at iba pang kinauukulang ahensiya ay inaatasang makipagtulungan sa Comelec sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin,” nakasaad sa memorandum ng Punong Ehekutibo.

Isasagawa ang barangay at SK elections sa darating na Mayo 14 na orihinal na nakatakda noong October 2016 subalit ipinagpaliban ng Kongreso noong October 2017 hanggang sa iusad sa Mayo 14.

Tinangkang muling ipagpaliban ng Kamara ang nasabing barangay elections subalit sinalu­ngat naman ito ng Senado.

Maging si Pangulong Duterte ay hindi na rin inen­dorso ang muling pagpapaliban ng barangay at SK elections.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY ELECTIONS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with