^

PSN Showbiz

Girl na namumulitika pag nagiging hurado, nakakuha ng katapat!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang umiikot ang kuwento tungkol sa pagiging mapulitika ng isang pamosong female personality kapag nauupo siya bilang judge sa anumang kumpetisyon. Pinupulitika niya ang pagboto.

Alam na alam ng isang pamosong babaeng personalidad ang kuwentong ito dahil nakaranas mismo ito ng pagiging mapulitika ng kilalang female personality. Nagkasama sila nu’n bilang judge sa isang malakihang labanan.

Kuwento ng aming source, “Kung sino ang gusto niyang ipanalo, kung sino ang sa palagay niya, e, maganda ang ginawang performance, ‘yun din ang ipinipilit niyang iboto ng mga kasamahan niyang judges.

“E, paano naman kung hindi maganda para sa ibang judges ang ipinakitang talent ng gusto niyang manalo, paano kung kapos sa inaasahan ng mga hurado ang talento ng ipinagpipilitan niyang manalo?

“Nu’ng minsang may gusto siyang manalo, e, kinontra siya ng isang kasamahan niyang judge, talagang hindi ibinoto ng friend niya ang gusto niyang manalo. Pahiya ang girl, pero sumama ang loob niya sa kumontrang judge sa kanya!

 “Matagal siyang hindi kinibo, mabuti na lang at palaban siya, ano nga naman sa kanya kung hindi siya kibuin ng girl na namumulitika sa pagboto sa mga contestants nila?

 “Ganu’n siya talaga, kung sino ang gusto niyang manalo, kailangang ‘yun din ang iboboto ng mga co-judges niya. Pulitika!” sigaw ng aming source na napapailing sa kanyang kuwento.

Pero hindi pa rin tumitigil ang babaeng personalidad, kapag may gusto siyang ipanalo, talagang ikinukulit niya ‘yun sa kanyang mga kasamahan. Puwede ngang isa sa mga dahilan kung bakit natuluyan ang away nila ng pamosong female personality ay dahil hindi niya ito kinayang bulungan at pilitin.

 “Hindi kasi kinaya ng powers niya ang paninindigan ng friend niya. Akala niya kasi, basta ginusto niya ang isang bagay, e, ‘yun na rin ang gusto ng buong bayan!

 “Teka, nagdya-judge pa rin ba siya ngayon sa competition? Waley na, dahil matagal na siyang pinagsaraduhan ng doors ng station!” buong-ningning na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Xian wala nang karapatang maging singer

Magaling namang mag-host ng beauty pageant si Xian Lim, kaya lang ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga miron ang kanyang sinabing “very well,” sa halip na “very well said.”

Usung-uso ‘yun kahit saan, talagang pinagpistahan ang blooper ng boyfriend daw ni Kim Chiu, ginagaya siya pati ng mga stand-up comedian sa mga comedy bar.

Pero pinagpistahan na naman si Xian Lim sa social media, bumibida na naman siya sa mga reaksiyong hindi niya magugustuhan, may kinalaman ‘yun sa page-guest niya sa katatapos lang na ma­tagumpay na concert ni Sarah Geronimo.

Nag-production number sila ni Sarah, nag-duet sila, kinanta nila ang Love Me Like You Do. Sa malas ay nasintunado si Xian, medyo nahawa pa nga sa ka­sintunaduhan niya ang magaling kumantang Pop Star Princess, kaya ipinaulit nito ang kanilang pagkanta.

Napakalakas naman kasi ng loob ni Xian Lim. Kumakanta-kanta siya, pero hindi siya maga­ling na singer, napapakinabangan lang ang kanyang boses kapag may promo siya para sa pelikula at serye.

Napakatagal na niyang alam na isa siya sa mga guests ni Sarah Geronimo, nag-rehearse pa nga sila nang ilang beses, pero parang hindi niya naman pinaghandaan ang kanilang duweto ni Sarah.

Sabi ng isang nag-post ng komento tungkol sa pagkasintunado ng aktor, “Sana, bago siya sumalang, e, nagpaturo muna siyang kumanta sa girlfriend niyang si Kim Chiu.

 “Sana, nag-duet na lang silang magkarelasyon, kinanta na lang sana nila ang Mr. Right song ng girlfriend niya, para hindi nahawa ng pagkasintunado sa kanya si Sarah!

“Huwag kasing maging jack of all trades, pumili na lang siya ng lilinyahan niya, hindi ‘yung lahat, e, gusto niyang sakupin!” madiing sabi ng netizen.

Puwede!

FEMALE PERSONALITY

XIAN LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with