^

Bansa

‘Headlights on’ sa motorsiklo aprub

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat ay laging nakabukas na ang headlights  ng mga motorsiklo habang tumatakbo sa mga lansangan.

Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Transportation ang House Bill 1318 o ang “Mandatory Automatic Headlights On for Motorcycles Act” na iniakda ni Rep. Mariano Michael Velarde Jr.

Layunin ng panukala na maiwasan ang mga aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa pamamagitan ng pagbubukas ng headlight araw man o gabi.

Sa ganitong paraan ay madali umanong makikita ang mga motorsiklo at maiiwasan ang banggaan at mapoprotektahan ang mga drivers, pasahero at operators nito.

Nakasaad din sa panukala na dapat siguruhin ng lahat ng manufacturers, assemblers at distributors ang Automatic Headlights On System, mechanism or device ay naka-install bago ibenta ang mga motorsiklo.

Habang dapat naman na ang mga motorsiklo ay mayroong isa o dalawang headlights at ituturing na labag sa batas kapag wala ito.

Multang P1,000-P2,000 ang sinumang lalabag na motorista, driver, owner at operator na hindi gagamit ng headlights sa unang paglabag.

Samantalang P2,500-P3,000 para sa ikala­wang violation at minimum na P3,500-P5,000 at pag­suspinde sa lisensya ng driver sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.

HEADLIGHTS

MOTORSIKLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with