ID system sa Boracay ipatutupad
MANILA, Philippines — Ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) simula ?Abril 26, 2018 ang ID system sa isla ng Boracay.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, ang ID system ay isasagawa kasabay ng pagsasara ng isla para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Paalala ni Densing, off-limits sa mga turista ang buong Boracay at pawang mga residente lamang ang papayagang makapasok sa lugar.
Aniya, mag-isyu sila ng identification card para sa mga residente na kailangan nilang ipakita kapag papasok at lumabas ng isla.
Kung mayroon namang ID ang isang residente ng isla na inisyu ng gobyerno ay kanilang tatanggapin.
Papayagan naman ang mga turista na naka-book sa mga hotel sa Boracay ilang araw bago ang ?April 26.
Hindi rin papayagan na makapasok sa isla ang mga bisita maliban na lamang kung may emergency.
Ang pansamantalang pagsasara ng Boracay ay naglalayong muling pagandahin at ibalik ang kanyang ningning upang lalong dayuhin at puntahan ng mga turista.
Sinasabing nasalaula ang isla dahil sa mismong dagat napupunta ang dumi at basura na nasabing lugar.
- Latest