^

Pang Movies

Kahit 40 na, Empoy hindi pa rin makatulog nang walang katabi

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Kahit 40 na, Empoy hindi pa rin makatulog nang walang katabi
Empoy

Heto Salve A., at nakatakda pa lamang ipalabas sa Wednesday (April 18) ang first lead role movie ni Ryan Bang kasama si Kim Chiu, ang horror comedy, ang DOTGA (Da One That Ghost Away), at may next project na siya agad, kasama naman sina Empoy Marquez at Zanjoe Marudo.

Of Empoy naman, alam niyo ba na sa edad niya na nearing 40 (birth date: July 3, 1981), ay ‘di siya makakatulog nang walang katabi.

Tinanong sa kanya ito ni Boy Abunda sa late talk program niyang Tonight With Boy Abunda (TWBA), ang sagot niya lang ay “ewan.”

Then, he continued: “Basta, kung nag-iisa ako at matulog na, kung anu-anong mga nakakakot ang iniisip ko.”

Like Ryan, obvious na bumabalik na ang suwerte ni Empoy, na waring naging mailap, nang hindi man lang nakagawa ng ‘tahol’ ang movie niyang The Barker, which actor-comedian Dennis Padilla, directed.

To think that this was his supposed follow-up movie to Kita Kita, kung saan kasama naman niya si Alessandra de Rossi na naging box office sensation.

Ang kanyang supposed first movie with sexy actress Ellen Adarna, na ang producer sana ay Star Cinema, ay hindi rin nag-materialize.

Well, no explained needed.

Ganun pa man, ayon kay Empoy, hindi siya nawalan ng pag-asang dadating din ang kanyang oras, at mukhang dumating na nga dahil kasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Since I Found You na eere ngayong Monday (April 16).

Since I Found You ang sumunod na proyekto ng Dreamscape Entertainment Television for ABS-CBN, matapos ang much-watched series na The Good Son, makakasama ni Empoy sina Piolo Pascual, JC de Vera, Arci Muñoz and his Kita Kita leading lady, Alessandra de Rossi.

Alessandra at Mark Abaya hiwalay na?!

Of Alessandra, how come na sinasabi niya these days na loveless siya? Break na ba sila ng nag-aartista ring si Mark Abaya, one of the two sons of the late award-winning director, Marilou Diaz-Abaya?

Well, balitang balak ni Alessandra na maging TV producer, either for TV o pelikula bago matapos ang taon.

Piolo at Robin, magpapatayo ng mga bahay sa Marawi

Mukhang hindi makakagawa ng pelikula ngayong taon si Piolo Pascual,

Aside nga kasi ng Since I Found You, parte rin siya ng weekly sitcom na Home Sweetie Home kung saan kasama niya sina Toni Gonzaga, Sandy Andolong, Miles Ocampo and Ogie Alcasid, among others.

Ganunpaman pinu-push pa rin ni Piolo ang plano niyang makagawa ng movie tungkol sa Marawi siege under his production, Spring Films. Wala pa siyang ideya, kung sinu-sino ang gaganap ng mahahalagang papel sa pelikula.

Pero lahat daw ng perang malilikom ay idodonate sa isang fund drive initiated by Robin Padilla, para pagpapatayo ng mga bahay sa mga mahihirap na biktima ng giyerang naganap sa Marawi.

Sofia, lalong sisikat kung susundan ang yapak ng ina

Mukhang a star is born in 18 year-old Sofia Gonzales-Romualdez. Lalo na kung susundan niya ang yapak ng kanyang ina na si former actress Cristina “Kring Kring” Gonzales at ang kanyang Lolo, former Sampaguita actor, Jose Mari.

Kring Kring, of course, has long retired from showbiz pagkatapos nitong ikasal kay Alfred Romualdez, who served bilang Mayor ng Tacloban for three term.

Si Kring Kring ang kasalukuyang Mayor ng Tacloban City.

Of Sofia, she has been a Viva Records recording artist for two years. Ang kanyang debut single, Pikit Mata, was featured as the theme song of the Julian Trono and Ella Cruz movie, FanGirl FanBoy.

Now soon to hit the record market is Sofia new single, Thinking Of You, which she herself compose.

vuukle comment

EMPOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with