Boyet nasa peligro ang buhay!
Lumabas na sa ospital si Mother Lily Monteverde. Tumawag na siya sa amin nu’ng isang araw.
“Bakit hindi mo ako dinalaw?” birong paninita sa amin ni Mother.
Check up lang sana ang punta ni Mother ayon sa anak niyang si Roselle. Pero kilangan siyang ma-confine dahil inflamed ang bahagi ng kanyang bituka.
But take note na kahit nasa ospital, todo pirma pa rin siya ng tseke at nag-iiisip ng publicity slant ng coming Regal movies na My 2 Mommies na one week lang ang pagitan ng showing sa Mayo.
Samantala, ang nangangailangan ng dasal ngayon ay si Christopher de Leon dahil ayon sa manager niyang si Manay Lolit Solis sa Instagram niya, eh nalagay sa peligro ang buhay sanhi pa ng aksidenteng kinasangkutan sa isang taping ng Kambal Karibal.
Our prayers kay Boyet na umayos na ang kalagayan...
Dennis itinangging engaged na kay Jennylyn
Itinanggi ni Dennis Trillo na engaged na sila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado. May lumabas kasi sa social media na engagement ring na ibinigay umano ng Kapuso actor sa GF.
Eh, naging special pa ang nakaraang Kapuso show ni Dennis sa New Jersey at Toronto, Canada dahil kasama niya ang Ultimate Star sa abroad.
“Luma na ‘yon Nagkataon lang na ‘yon ang naka-foreground sa picture. Wala pang ganoon,” bulalas ni Dennis nan bisitahin ng press sa taping ng The One That Got Away.
Sa nakaraang shows, nakatanggap sila ng panlalait na hindi raw nila napuno ang venues.
“Rewarding naman kasi masarap ang pakiramdam na marami kaming napasaya lalo na ‘yung naho-homesick. Successful ang show dahil marami ang nagpunta.
“Marami ring tao sa New Jersey pero mas maraming tao sa Toronto kasi malaki ang venue doon. Sa New Jersey mas maliit ang venue. Saka medyo hindi maganda rin ang panahon du’n. So despite the weather marami pa ring nagpunta.
“Sa amin, hindi naman mahalaga ‘o importante ‘yon. Ang importante marami kaming kababayan napasaya!” paliwanag ni Dennis.
- Latest