Lokal o trabaho sa ibang bansa?
* Local pa rin! Hindi lahat pera. Matuto lang makuntento kung anong meron. Hindi maluho at walang utang makaka-survive na ang pamilya. – Sunshine, Malabon
* Foreign job siyempre. Kahit anong sikap mo, kulang pa rin ang kita namin ng mister ko. At least sa ibang bansa yung suweldo mo sa isang buwan puwede mong kitain sa loob ng isang linggo. – Jamel, Manila
* Madaling sabihin na magandang magtrabaho sa ibang bansa. Kung alam n’yo lang laging busy ang mga tao sa Canada. Dala-dalawa o tatlo ang trabaho sa daming obligasyon na dapat bayaran.
– Marissa, Baguio
* Ke local o foreign kung hindi ka naman marunong humawak ng pera. Observation nga ng Kano, kahit kelan hindi yayaman ang Pinoy dahil pasan ang buong pamilya, pamangkin, at buong angkan. Pero pagtanda nganga ang lahat. Dahil walang naipon para sa sarili. – Gab, Leyte
* Kung gusto mong magtrabaho sa ibang bansa habang bata gawin na, para ma-enjoy mo ang suweldo at makapag-ipon para sa future. Upang marami pa rin magawa, kasi kung may edad na, minsan limitado na rin dahil sa marami nang nararamdaman sa katawan.
– Betty, Cebu
- Latest