^

PSN Showbiz

Vice ‘iniregalo’ ni Lani sa Cavite ; Mylene ayaw matanong sa ginawa ni John

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice ‘iniregalo’  ni Lani sa Cavite ; Mylene ayaw matanong  sa ginawa ni John

PIK: Masayang ipinagdiwang ng Bacoor Ma­yor Lani Mercado ang kanyang 50th birthday nung kamakalawa ng gabi sa may Revilla Business Park sa Bacoor.

Nagkaroon muna ng misa at may dinner pagkatapos, at doon nagsimulang magdatingan ang mga panauhin na karamihan ay mga pulitiko.

Ilan sa mga dumating ay sina Sens. Grace Poe at Cynthia Villar, dating pangulo at Congresswoman na ngayong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Sen. Jinggoy Estrada at Sec. Sal Panelo na kumanta pa.

Marami ang nakakitang hindi nagpansinan sina Sen. Poe at Cong. Arroyo nang magkasalubong silang dalawa.

Ilan sa mga taga-showbiz na nakisaya sa kanilang programa ay sina Gabby Concepcion, Bea Binene, Randy Santiago, at may free concert pa si Vice Ganda.

May special number din ang mga anak niya, pero ang espesyal na sorpresa sa kanya ay ang VTR na song number ni dating Sen. Bong Revilla.

Emotional si Mayor Lani nang nakausap namin dahil kahit natutuwa raw siya sa naki-celebrate sa kanya, nandiyan pa rin ang lungkot dahil first birthday daw niya itong sa telepono lang sila nagkausap ni Sen. Bong. Kinabukasan pa niya makakasama ang asawa pagkatapos ng mga pagdiriwang na gagawin niya sa Bacoor.

Maluha-luha niyang pahayag sa mga taga-Bacoor; “Nagpapasalamat ako sa inyo dahil alam nyo namang malungkot pa rin ako dahil hindi ko kasama ang aking kabiyak. Kayo lang ang nagpapasaya sa akin, dahil masaya akong pinagsisilbihan ko kayo.”

PAK: Nilinaw ni direk Joel Lamangan na wala siyang kinopya sa Mano Po dito sa musical play niyang Binondo: A Tsinoy Musical na malapit nang mapanood.

Siya ang nagdirek ng first, third, fourth, fifth at sixth episode ng Mano Po at iba raw ito sa kanyang Binondo.

“Una, kantahan naman ito. Wala namang kantahan sa Mano Po. Pero gusto ko sa last performance na manood si Mother Lily, para kung magkaproblema man, tapos na ang palabas. Wala na siyang hahabulin,” napapangiting pahayag ni direk Joel.

Kapag mapanood daw ito ni Mother Lily ay tiyak na hindi raw magkakainteres na isapelikula.

Pero open daw sila sa mga producer na gustong isapelikula itong Tsinoy musical niya.

Mapapanood na sa The Theatre ng Solaire ang Binondo simula June 29, 30 at sa July 1, 6, 7 at 8.

Tampok dito ang anak ni Dulce na si David Ezra na proud na sinasabing pagdating sa pagkanta ay nagmana raw siya sa kanyang Mommy kahit kamukha niya ang kanyang daddy na si Danny Cruz.

Ka-alternate ni David dito ang magaling ding singer at theater actor na si Arman Ferrer.

BOOM: Kasabay nang pagtatapos ng The Good Son nung nakaraang Biyernes, April 13, nagbigay ng pa-merienda ang top executives ng ABS-CBN sa main cast ng naturang teleserye.

Ginanap ang Appreciation Merienda sa Chronicle lounge ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Inimbitahan sina Joshua Garcia, Jerome Pon­ce, McCoy de Leon, Eula Valdez, Mylene Dizon, Loisa Andalio at iba pang nasa main cast, pero hindi kasali si John Estrada.

Kung sakaling inimbitahan si John, hindi naman siguro dadalo dahil nga sa di magandang nangyari sa kanila ni Mylene.

Bukod pa riyan ay nasa Kapuso network na si John, at malapit na raw itong magsimulang mag-taping.  Kaya off na kung dadalo pa siya.

Samantala, nakikita naming ayaw nang pag-usa­pan pa ni Mylene ang insidente sa The Good Son.

Namataan namin siya minsan sa gym at umiwas ito sa amin. Iniiwasan na lang niyang matanong ko siya tungkol dito.

LANI MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with