^

Police Metro

Obrero utas sa road rage

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa away sa kalsada ay tinapos ito sa mismong bahay ng isang obrero matapos na pagbabarilin ng isang tsuper na nakatalo nito dahil sa binusinahan siya habang naglalakad kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Leo Mosquera, 36, binata, at residente ng no. 379 Gen. Luis Street, NPC, Brgy. 166, Caybiga.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Mario Mendoza, 54, balo, tsuper at naninirahan rin sa naturang barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:20 ng umaga ay naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada ng Gen.Luis St., nang magulat ito sa pagbusina ng suspek na nagmamaneho ng L-300 van.

Kinompronta ng biktima ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Saglit na umuwi si Mosquera at nang bumalik ay armado ng isang itak hinabol ang suspek na nagawang makatakbo. 

Subalit, armado pala ng baril ang suspek at nang makita ito ng biktima ay nagtatakbo ito papasok sa kanyang bahay na pinasok ng una at pinagbabaril bago tuluyang tumakas.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with