ICC members ipaaaresto ko! - Digong
MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Duterte kahapon na ipaaaresto niya ang mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na magtutungo sa Pilipinas upang mag-imbestiga hinggil sa inilunsad na anti-drug war ng gobyerno.
“You can’t exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you,” sabi ng Pangulo sa media interview sa Davao City pagkagaling niya sa China at Hong Kong trip.
Iginiit ni Duterte, walang awtoridad ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon laban sa kanya at hindi siya puwedeng litisin ng mga ito.
Ayon pa sa Pangulo, ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa Rome Statute ay kuwestyonable dahil walang nangyaring publication ito sa official gazette ng ratipikahan ito ng Senado.
“If there’s no publication, it’s as if there’s no law at all. Ikaw Ms. Fatou (Bensouda), ‘wag kang pumunta dito because I will bar you, not because I am afraid of you, I said because you will never have jurisdiction over my person. Not in a million years,” banta pa ng Pangulo.
Ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na Ms. Bensouda ay ang ICC prosecutor.
“At hindi ako matatakot. I said you can never hold me into the international criminal court simply because your position is flawed and can’t be corrected anymore. So stop your nonsense,” dagdag pa ni Duterte.
Magugunita na umatras na sa Rome Statute at ICC ang Pilipinas ng ihayag ito ni Pangulong Duterte kamakailan dahil sa walang tigil na pag-atake sa kanya ng mga UN special rapporteurs.
- Latest