^

Punto Mo

Manyak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MALAKING kahihiyan iyon sa kanilang pamilya. Ang 17 taong gulang na panganay niyang anak na babae ay may ku-malat na sex video sa internet. Ang katalik ng kanyang anak ay ang kasalukuyan nitong boyfriend. Tanggap ng pamilya niya at pamilya ng lalaki ang relasyon ng dalawang teen-ager.

Ang kanilang pamilya ay debotong Katoliko. Ang buong pamilya ay laging nagsisimba tuwing Linggo. Hindi sila mayaman pero hindi naman hirap sa buhay. Nakakaya nilang pag-aralin sa magandang school ang kanilang apat na anak na pulos mga babae.

Simula ng kumalat ang sex video, ayaw nang maglalabas ng bahay ang kanyang misis. Alam kasi ng buong community ang tungkol sa sex video. Tuwing nag-iisa, napapaiyak siya sa nangyaring iyon sa kanila. Hindi niya pinagalitan ang anak. Natatakot siyang baka magresulta ito ng malala pang consequences. Kalmadong kinausap niya ang boyfriend ng anak. Lumuhod ang lalaki sa kanyang harapan, humingi ng tawad, tumangging siya ang nagpakalat at sinabi nitong handa niyang pakasalan ang kanyang anak.

Ayaw niya aksayahin ang energy sa pagpapagalit sa anak at sa boyfriend nito, kahit patayin niya ang mga ito, hindi nito maiibsan ang lungkot at kahihiyang nadadama nila. Sa halip, nagpa-imbestiga siya para malaman kung paano kumalat sa internet ang sex video. Kumunsulta siya sa eksperto kung paano mapuputol ang pagkalat  ng video.

Ayon sa resulta ng imbestigasyon, ang boyfriend mismo ang nagpakalat. Bunga ito ng pagyayabang na ito ang naka-devirginised sa kanyang girlfriend. Malaki rin halaga ang nagastos niya para hindi man completely natigil ang pagkalat, at least, na-minimise ito. Hindi kagaya noong una na parang apoy itong kumalat. Ang huling step na ginawa niya ay buo silang mag-anak na nagpasuri sa psychologist. Lahat sila ay unti-unting binabalot ng depresyon.

Lumipas ang tatlong taon, 20 anyos na ang magkasintahang may sex video. Sinampahan niya ng kaso ang lalaki, na ngayon ay ex-boyfriend na lang. Hindi na sana niya hahangarin na ipakulong ito, ngunit iniwan nito ang kanyang anak at nambuntis ng ibang babae. Totoo ang ipinagtapat ng kanyang anak. Manyak ito. Malapit nang ibaba ang sentensiya sa kanyang ex-hilaw-na-manugang. Maikling panahon na lang, makakaganti na rin sila.

SEX VIDEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with