Summer na - PAGASA
MANILA, Philippines — Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-init o summer season sa bansa.
Ayon sa PAGASA, pumasok na ang dry season dahil kumawala na ang hanging amihan kaya’t asahan na ang mainit na panahon mula ngayon hanggang sa susunod na mga araw.
Gayunman, kahit panahon ng tag-init ay maaari pa ring makaranas ng minsang pag-ulan laluna sa hapon o gabi.
Sinabi ni PAGASA Administrator Dr. Vicente B. Malano, mula ngayon ay mararamdaman na ang unti-unting pag-init ng temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Malano ang publiko na ugaliing magdala ng tubig na maiinom kung lalabas ng bahay at magsuot ng mga preskong damit para maginhawahan ang katawan sa mainit na panahon.
Anya, kung wala rin lamang lakad ay iwasan ang init ng panahon mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon dahil sa mga oras na ito matindi ang taas ng temperatura na posibleng makaapekto sa katawan ng tao tulad ng heat stroke at skin rashes.
- Latest