Jazz pumitas ng playoff seat
LOS ANGELES — Tuluyan nang inangkin ng Utah Jazz ang playoff ticket.
Ito ay matapos magposte si guard Donovan Mitchell ng 28 points, 9 rebounds at 8 assists para akayin ang Utah sa 112-97 panalo laban sa Lakers.
“As far as being nine games below .500, and dealing with a lot of adversity and change. More than anything, I’m just really proud of these guys,” sabi ni coach Quin Snyder. “What these guys did collectively to get better, I don’t want to diminish what this group has accomplished.”
Ang Utah ang ikaapat na koponan na nakapagbulsa ng playoff berth sa Western Conference.
Lima pa ang nag-aagawan para sa huling apat na silya bago magtapos ang regular season bukas.
Ito ang ikalawang sunod na playoff stint ng Jazz bago pa man lumipat si star small forward Gordon Hayward sa Boston Celtics bilang free agent sa nakaraang offseason.
Binanderahan naman ni Josh Hart ang Los Angeles mula sa kanyang 25 points at kumolekta si Julius Randle ng 17 points at 7 rebounds.
Sa Phoenix, umiskor si Klay Thompson ng 22 sa kanyang 34 points sa first quarter at dinomina ng Golden State Warriors ang Suns, 117-100, sa ika-15 sunod nilang pagkikita.
Dahil sa kabiguan at sa panalo ng Memphis Grizzlies laban sa Detroit Pistons ay tiyak na ang Phoenix sa pagkakaroon ng worst record sa NBA sa bitbit nilang 20-61 kartada.
- Latest