^

PSN Showbiz

Bumabawi, Marjorie naglabas ng tribute para sa bunsong itinago

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Bumabawi, Marjorie naglabas  ng tribute para sa bunsong itinago

SEEN: Ang video ng youngest daughter ni Marjorie Barretto mula nang isilang ito hanggang lumaki. Naka-post ang video sa Instagram account ni Barretto na making up for the lost time dahil matagal niya na itinago sa publiko ang anak na bunso.

SCENE: Emosyonal ang mga anak ni Marjorie Barretto sa video na inilabas ng kanilang ina dahil sa sobrang kaligayahan. Finally, hindi na nila ililihim sa mga tao ang kanilang youngest sister.

SEEN: May hawig sa mga eksena ng Bulaklak ng City Jail ang mga nakakulong na eksena ni Glaiza de Castro sa Contessa. Ang Bulaklak ng City Jail ang pelikula ni Nora Aunor noong 1984 at ang Contessa ang afternoon drama series ng GMA 7.

SCENE: Star-studded ang jampacked Divide concert ni Ed Sheeran sa SM Mall of Asia concert grounds noong Linggo, April 8. Hindi natuloy ang Manila concert ni Sheeran noong November 7, 2017 dahil nasugatan siya sa isang bicycle accident.

SEEN: Sina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Dra.Vicki Belo, Julia Barretto, Jeric Gonzales, Kyline Alcantara, Jinkee Pacquiao, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo at Carla Abellana ang ilan sa mga local celebrity na nanood ng concert ni Ed Sheeran.

SCENE: Isang season lang ang Ang Forever Ko’y Ikaw, ang morning tele­serye nina Camille Prats at Neil Ryan Sese. Ang My Guitar Princess ang ipapalit sa Ang Forever Ko’y Ikaw. Bida sa My Guitar Princess si Julie Anne San Jose.

SCENE: Alam ng lahat na si Jak Ro­berto ang boyfriend ni Barbie Forteza kaya kailangan pa na i-promote nang husto ang bini-build up na loveteam nina Barbie at Derrick Monasterio.

SEEN: Ang pag-amin ni Jerome Ponce sa Gandang Gabi Vice na may problema sa relasyon nila ng volleyball star na si Mika Reyes. Kakulangan ng oras ni Jerome para sa kanya ang reklamo ni Mika na dapat nang mag-isip kung talagang mahal siya ng boyfriend niya.

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with