Bebot tumalon mula 19th floor, lasog
MANILA, Philippines — Isang 30-taong gulang na babae ang sinasabing tumalon mula sa ika-19 na palapag na gusali na nagresulta para mahati at magkalasug-lasog ang katawan nito sa Quezon City, kahapon ng hapon.
Nakilala ang nasawi na si Christine Grace Obedoza, residente ng Narra St., East Fairview, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng hapon sa isang condominium building sa Mother Ignacia St., corner Panay at Timog Avenue, Quezon City.
Ayon sa report, nagtungo at nagkunwaring bibili ng condo unit ang biktima kaya sinamahan siya sa mga bakanteng unit.
Unang ipinakita sa biktima ang isang unit sa 6th floor pero hindi nito nagustuhan kaya naghanap pa siya ng bakanteng unit sa mas mataas hanggang makarating sa 19th floor.
Pagdating sa ika-19 na palapag ay nakiusap ang biktima sa sales representative ng gusali na iwan na muna siya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang umanong umakyat sa veranda at balkonahe ang biktima saka tumalon.
Unang bumagsak ang katawan ng biktima sa ikalawang palapag at naputol ang katawan at braso nito habang ang ibang bahagi ng katawan at bumagsak sa kalsada at nagkalasug-lasog.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may foul play sa pagpapakamatay ng biktima.
- Latest